Talaan ng Nilalaman
Ang blackjack at roulette ay dalawa sa mga pinaka iconic na laro ng online casino. Ang mga larong ito ay madalas na makikita at malalaro sa mga casino. Ang dalawang laro ay marahil may magkaibang paraan para laruin ngunit ang mga ito ay nagugustuhan ng marami at iba’t ibang mga manlalaro. Sa artikulong ito ng CGEBET pag-uusapan natin ang pagkakaiba ng dalawang larong ito at aalamin natin kung ano ba ang mas mahusay na laruin sa pagitan ng dalawang larong ito.
Kung tatanungin kung anong laro ang mas mahusay sa pagitan ng blackjack at roulette marahil ay walang tamang kasagutan. Isa sa dahilan ang dalawang laro ay nakakapag alok ng kakaibang karanasan sa bawat manlalaro. Kung gusto mo ang hamon ng diskarte at pag-iisip marahil nababagay sa iyo ang blackjack. Samantala kung ikaw ay kinikilig sa dulot ng mga hindi mahuhulaang resulta ng laro ang roulette naman ay nababagay sa iyo. Kaya, sa halip na pagtalunan kung aling laro sa online casino ang mas mahusay, paghahambingin natin ang dalawang laro.
Mga Pagkakaiba ng Blackjack at Roulette
Marahil ang dalawang larong ito ay parehong nilalaro sa mga mesa ng casino ngunit ang dalawang larong ito ay may malaking pagkakaiba. Ang blackjack ay isang card game kung saan nilalaro kalaban ang bahay. Samantala, ang roulette naman ay isang laro sa casino kung saan gumagamit ka ng isang maliit na gulong at tumataya sa numero/kulay nito.
Mga Pagkakaiba
Online Roulette
Ang online roulette ay laro ng pagkakataon kung saan ang bawat resulta ay hindi maiimpluwensyahan ng anumang mga diskarte at umaasa lamang sa swerte. Ang ilang mga halimbawa ng laro ng pagkakataon na ating matutukoy ay ang mga slot, keno at bingo.
Pagdating sa bilis ng laro, sa roulette ang bawat laro ay nagsisimula at nagtatapos nang mabilis sa pag-ikot ng roulette wheel at ang koleksyon/pagbabayad ng mga taya.
Online Blackjack
Ang online blackjack naman ay isang laro ng kasanayan kung saan ang mga resulta ay maaaring maimpluwensyahan ng mga diskarte. Ilan sa mga sikat na laro na maaari nating ihambing dito ay ang poker at chess. Kumpara sa laro ng pagkakataon, Ang mga manlalaro ay maaaring magkaroon ng kontrol sa kanilang laro sa pamamagitan ng mga mahuhusay na diskarte.
Pagdating sa bilis ng laro Sa blackjack, ang mga card ay binubuksan nang paisa-isa at manlalaro sa bawat manlalaro, kaya tumatagal ng mas maraming oras.
Kung ikaw ay isang baguhan at nahihirapan na piliin ang isa sa dalawang larong ito subukan ang mga larong ito ng libre sa CGEBET. Kami ay nag aalok ng Demo/Free Play mode para sa aming mga manlalaro para lubos na maunawaan ang pasikot-sikot ng bawat laro ng walang ginagastos na pera dahil alam namin ang importansya nito sa bawat manlalaro.
Larong Nag-aalok ng Madalas na Panalo
Katulad ng ibang mga laro sa casino, ang dalawang laro ay may elemento padin ng pagkakataon na may malaking epekto sa maaaring maging resulta ng laro. Kaya naman mahirap matukoy kung aling laro ang makakapagbigay ng madalas na panalo.
Online Roulette
Ang bawat resulta ng laro ay natutukoy sa pamamagitan ng pagkakataon lamang, at walang paraan para mag bigay kontrol ang manlalaro sa kalalabasan ng laro. Ang house edge ng laro ay maaring mag-iba depende sa bersyon ng larong iyong nilalaro. Ang European na bersyon ay maaaring mayroong 2.7%. samantala ang American na bersyon naman ay mayroon 5.26% dahil sa dobleng zero idinagdag sa gulong nito.
Online Blackjack
Pagdating naman sa larong ito ang mga desisyon ay maaaring mag bigay ng malaking epekto sa magiging resulta ng laro. Ang House edge sa larong ito ay maaaring magmula sa 2% hanggang 0.5% kung gumagamit ka ng mahusay na diskarte sa paglalaro. Maaari din magbago ang house edge ng laro depende sa mga pagbabago ng mga panuntunan na pinapatupad ng laro.
Ang dalawang larong ito ay nag-aalok ng parehas na magandang posibilidad na manalo sa laro. Gayunpaman, ang larong blackjack ay may maliit na kalamangan dahil ang mga mahusay na diskarte ay maaaring magbigay sa manlalaro ng mataas na pagkakataon manalo sa laro. Mahalagang tandaan lamang na ang parehong laro ay may elemento ng pagkakataon at hindi mo masasabi kung ano ang iyong magiging kapalaran sa paglalaro.
Larong Kumikita
Sa larong blackjack, ang manlalaro ay maaaring kumita para sa bawat panalo ng 1:1 (kung tataya ka ng ₱50, maaari kang manalo ng ₱50) kung ikaw naman ay makakuha ng natural blackjack (21 gamit ang 2 card lamang) ikaw ay mananalo ng 3:2 (kung tataya ka ng ₱50, maaari kang manalo ng ₱75). Tandaan lang na ang casino ay maaaring magkaroon ng malaking pagbabago sa panuntunan kung saan ng blackjack ay binabayaran ng 6:5 na hindi namin inirerekomendang laruin.
Sa roulette naman, ang laro ay maaaring magbigay ng mas mataas na kita dahil sa dami ng mga taya na pagpipilian sa laro. Para sa mga color bet, odd/even bet, at high/low bet ang laro ay nagbabayad ng 1:1. Kung susubukan mo naman ang dozen bet ikaw ay maaaring manalo ng 2:1. Ang pinakamataas na panalo naman ay maaaring ibigay ng straight number bet kung saan maaari kang manalo ng 36:1.
Anong Laro Ang Dapat Piliin?
Napag-usapan na natin ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng dalawang laro. Kung ikaw ay isang manlalaro na gusto ang hamon ng diskarte at istratehiya alam mo na babagay sa iyo ang blackjack, samantala ang paglalaro naman habang nagrerelax at maaaring magbigay ng malalaking panalo ang maiaalok ng roulette. Ano man ang larong iyong piliin, ang dalawang larong ito ay maaaring makapagbigay ng masasayang sandali at kasiyahan. Huwag lang kalimutan ang paglalaro ng responsable sa bawat pagkakataon.
Sumali sa CGEBET at Manalo Habang Nagsasaya
Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa CGEBET Online Casino. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!
FAQ
Ito ay isang bahagi ng pangunahing diskarte na doblehin ang 11 hangga’t maaari (bagama’t ang ilan ay magpapayo na pindutin lamang kung ang dealer ay nagpapakita ng ace sa face-up card). Ang dahilan nito ay ang 11 ay isa sa, kung hindi man ang pinaka- kanais-nais na kamay upang matamaan, na may isang malakas na pagkakataon na makakuha ng blackjack gamit ang iyong susunod na card. At kahit na hindi ka makakuha ng 10, mayroon ka pa ring magandang pagkakataon na matalo ang kamay ng dealer.
Sa maraming mga diskarte at tip para sa blackjack na aming nasaklaw, ang pinakamahalagang paraan upang madagdagan ang iyong mga pagkakataong manalo ay ang pag-master ng pangunahing diskarte. Ang paggamit ng pangunahing diskarte sa iyong laro ay kayang bawasan ang house edge pababa sa 1%, isa sa pinakamababa sa anumang laro sa casino.